Puwede kang maging kwalipikado para sa Healthy San Francisco kung pasok ka sa LAHAT ng sumusunod:
-
- Residente ng San Francisco
- Nasa edad 18 o mas matanda
- Hindi naka-insure
- Hindi kwalipikado para sa mga programa para sa pampublikong insurance tulad ng Medi-Cal o Medicare
- Nakatira sa isang sambahayang may kitang nasa o mas mababa sa 500% ng Federal Poverty Level
Alamin kung posible kang maging kwalipikado sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba.
Tandaan: Ganap na walang pagkakakilanlan ang form na ito at walang anumang inilagay na data ang mase-save saanman sa sistema. Bukod pa rito, walang epekto ang field ng pangalan ng miyembro sa proseso ng pagtukoy sa pagiging kwalipikado at ginagamit lang para sa pagpapadali ng pagpapakita ng mga resulta. Samakatuwid, kung hindi ka komportableng ilagay ang iyong totoong pangalan, malaya kang gumamit ng alyas.
