Nagbibigay ang Healthy San Francisco ng mga abot-kayang serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa mga hindi naka-insure na taong nakatira sa San Francisco. Isa itong makabagong paraan para makakuha ng pangunahin, tuloy-tuloy, at de-kalidad na medikal na pangangalaga ang mga taga-San Francisco, kasama ang:
- Pang-iwas, Regular, at Espesyal na Pangangalaga
- Mga Inireresetang Gamot
- Pangangalaga sa Ospital
- Paggamot ng Pag-abuso sa Alak at Paggamit ng Substance
- Pangangalaga sa Kalusugan ng Isip
- Mga Serbisyo ng Ambulansya
- Mga Serbisyo at Pagsusuri sa Laboratoryo
- Mga Serbisyo sa Pagpaplano ng Pamilya
Puwede kang maging kwalipikado para sa Healthy San Francisco kung pasok ka sa LAHAT ng sumusunod:
- Residente ng San Francisco
- Nasa edad 18 o mas matanda
- Hindi naka-insure
- Hindi kwalipikado para sa mga programa para sa pampublikong insurance tulad ng Medi-Cal o Medicare
- Nakatira sa isang sambahayang may kitang nasa o mas mababa sa 500% ng Federal Poverty Level
Hindi insurance ang Healthy San Francisco, dahil hindi nito natutugunan ang mga minimum na kinakailangan para sa insurance sa kalusugan. Nangangahulugan ito na posibleng magbayad ka ng multa dahil hindi ka naka-insure kapag nagbayad ka ng iyong mga buwis. Kung magiging kwalipikado ka para sa insurance sa kalusugan, mas magandang opsyon ito kaysa sa Healthy San Francisco dahil nag-aalok ito ng mas maraming benepisyo at serbisyo. Hindi rin magbibigay ang Healthy San Francisco ng coverage sa labas ng San Francisco.
Para sa higit pang impormasyon, i-download ang aming Impormasyon sa Programa at Gabay sa Pagpapatala.
Alamin kung kwalipikado kang magpatala sa Healthy San Francisco.
